Inaresto ng mga awtoridad ang isang suspek sa carnapping at narecover ang ninakaw na motorsiklo sa isang hot pursuit operation sa Barangay Damatulan, Nabalawag, SGA-BARMM noong Abril 15, 2025.
Batay sa ulat ng Midsayap Municipal Police Station, dakong alas-6:00 ng gabi, sapilitang hinarang ng kinilalang suspek na si alyas “Nawap” ang minamanehong motorsiklo ng kinilalang biktima na si alyas “Zu”. Ang motorsiklo ay pag-aari ng isang guro na residente ng nasabing Barangay.
Matapos ang insidente, agad na nagsagawa ng hot pursuit operation ang Nabalawag Municipal Police Station patungong Barangay Olandang sa parehong bayan. Sa tulong ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) ng Barangay Olandang, matagumpay na nakorner at naaresto ang suspek at narecover mula sa kanyang pag-iingat ang motorsiklo.
Sa ngayon ay nasa kustodiyia na ng Midsayap MPS ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10883 o ang New Anti-Carnapping Act of 2016.