Naging emosyonal si Senator-judge Camille Villar nang hilingin niya sa kanyang mga kapwa senador na itigil ang personal na pag-atake laban sa mga senator-judge na hindi nakadadalo sa impeachment trial, kabilang ang mga nasa kustodiya.
Sa kanyang manifestation, sinabi ni Villar na hindi pa nahahatulan o nadi-declare na guilty ang mga nasabing senador, kaya hindi aniya makatarungan na tawagin o ituring sila bilang mga kriminal kaugnay ng kanilang pagliban sa paglilitis.
Binigyang-diin niya na maaaring may mga dahilan kung bakit hindi nakadadalo ang ilang senador at hindi naman nila pinili ang kanilang kasalukuyang sitwasyon.
Hiniling din ni Villar sa kanyang mga kapwa senator-judge na panatilihin ang respeto sa isa’t isa, lalo na dahil wala pang pinal na hatol na nagpapatunay na ang mga hindi dumadalo sa impeachment proceedings ay guilty sa mga kasong ibinibintang sa kanila.
Ang pahayag ni Villar ay bahagi ng mga naging talakayan ng Senate impeachment court habang nagpapatuloy ang paglilitis kay Vice President Sara Duterte.













