-- ADVERTISEMENT --
Ipinagdiwang ni Camila Osorio ang kanyang unang titulo sa Philippine Women’s Open matapos niyang talunin si Donna Vekic sa singles finals nitong Sabado, Enero 31, sa Rizal Memorial Tennis Center.
Bagama’t may tatlong titulo na siya sa WTA Tour, espesyal para sa 24-anyos na Colombian ang makagawa ng kasaysayan sa Manila.
Naramdaman din ni Osorio ang suporta at pagmamahal ng mga Filipino fans, kahit na natalo niya ang local favorite na si Alex Eala sa quarterfinals.
Bukod dito, napansin niya ang pagkakatulad ng Pilipinas sa kanyang sariling bansa, ang Colombia, na lalo pang nagpasaya sa kanya dahil sa masiglang enerhiya ng mga Pinoy fans.













