-- ADVERTISEMENT --

Pinahayag ni Bojie Dy III na bukas ang Kamara sa posibilidad na amyendahan ang batas upang mabawasan ang buwis sa langis, kasunod ng plano ni Ferdinand Marcos Jr. na bigyan siya ng kapangyarihan na ibaba ang excise tax sa panahon ng matinding pagtaas ng presyo ng langis.

Ayon kay Dy, kung lumampas sa 80 dolyar kada bariles ang presyo ng Dubai crude, tiyak na mararamdaman ng mamamayan ang epekto sa pamasahe, presyo ng pagkain, at iba pang pangunahing bilihin.

Dahil dito, handa ang Kamara na makipag-ugnayan sa Senado upang pag-aralan at amyendahan ang batas kung kinakailangan.

Binigyang-diin din ni Dy ang kahalagahan ng pagtitipid ng kuryente sa gitna ng umiiral na tensyon sa Middle East.

Aniya, sa kabila ng mga hamon, dapat kumilos ang gobyerno nang may malasakit, pananagutan, at kahandaan, habang inuuna ang kapakanan ng mamamayan.