-- ADVERTISEMENT --
KORONADAL CITY – Tiniyak ng National Food Authority (NFA) South Cotabato na walang shortage sa suplay ng bigas sa probinsya.
Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Provincial Manager Gerry Baquiran, inihayag nito na patuloy ang distribusyon ng NFA-South Cotabato sa mga major at minor markets sa mga rice retailers sa buong lalawigan.
Aniya, sa kabila ng balita na may kakulangan umano ng bigas sa ibang mga lugar, hindi malala ang sitwasyon sa lugar.
Iginiit pa ng opisyal na walang dapat na ikabahala dahil naipamahagi na sa mga regional areas ang NFA rice kung saan sa urban areas, may malaking allocation ng imported rice.
Kasabay nito, ipinasiguro ni Baquiran na hanggang buwan ng Abril ay may sapat na buffer stock ng NFA rice sa probinsiya.






