-- ADVERTISEMENT --
Umabot na sa 76 ang kumpirmadong bilang ng mga nasawi matapos masunog ang isang ferry boat sa Coron, Palawan.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nakarekober ang mga awtoridad ng 41 karagdagang bangkay nitong Sabado ng gabi. Ayon kay PCG spokeswoman Commodore Noemie Cayabyab, dinala ang mga labi sa pantalan ng Coron para sa kaukulang proseso.
Samantala, isinailalim na sa forensic examination ang unang 30 bangkay upang matukoy ang kanilang pagkakakilanlan.
Kabilang sa kabuuang 76 na nasawi ang unang limang biktimang kumpirmadong namatay matapos ang insidente.
Patuloy naman ang search and rescue operations ng mga awtoridad upang mahanap ang iba pang pasaherong maaaring nawawala matapos masunog ang barko noong Setyembre 9.













