-- ADVERTISEMENT --

KORONADAL CITY – Nagbigay ng tulong ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer sa mga na-stranded na delegado ng Batang Pinoy mula Dumaguete, Negros Oriental matapos maaksidente ang sinasakyan nilang van at SUV sa Koronadal City.

Mismong ang CDRRMO -Koronadal sa pangunguna ni Cyrus Jose J. Urbano ang nanguna sa pagbibigay ng tulong sa mga delegado, kasama ang kanilang mga coach at magulang.

Pansamantalang nanatili sa CDRRMO Emergency Operations Center ang mga ito kung saan sila ay binigyan ng pagkain, at iba pang kinakailangang tulong.

Agad din na isinasagawa ang koordinasyon sa Provincial DRRMO ng Negros Oriental upang maipaabot ang sitwasyon ng mga atleta.

Samantala, sa tulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng South Cotabato, agad na ipinagkaloob ang isang sasakyan para sa kanilang biyahe pauwi.
Ang PDRRMO South Cotabato mismo ang nag-facilitate ng kanilang ligtas na paglalakbay at turnover sa Dipolog City upang matiyak ang kanilang maayos na pagbabalik sa Negros Oriental.