Nakumpiska ang illegal na baril at droga sa isinagawang Search Warrant Operation ng mga awtoridad sa Purok Sampaguita, Brgy. Sta. Clara, Kalamansig, Sultan Kudarat nito lamang ika-20 ng Pebrero 2025.
Kinilala ni PMAJ RODNEY V BINOYA, hepe ng Kalamansig Municipal Police Station ang nakumpiskahan na suspek na si alyas “ VIN” 50 na taong gulang , walang trabaho at residente ng nasabing lugar.
Bandang 4:30 ng umaga , nagsagawa ng search warrant operation ang mga tauhan ng Kalamansig MPS kasama ang RID 12 Tracker Team Delta, 2nd SKPMFC, SKPIU , SKPDEU, Kalamansig Maritime Law Enforcement Unit, RID Foxtrot/Echo RSOT 12 , SK CIDG PFU at sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency 12.
Nasabat sa pamamahay ng suspek ang isang yunit ng revolver, isang bala at 14 na piraso ng hinihinalaang shabu na may kabuuang bigat na 7.6 na gramo at nagkakahalaga ng Php 51, 680.00.
Nahaharap ang suspek sa paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.