-- ADVERTISEMENT --

LAMBAYONG, SULTAN KUDARAT – Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad kaugnay sa pamamaril na ikinasawi ng Punong Barangay ng Barangay Lagao sa bayan ng Lambayong ngayong hapon ng Sabado, October 18, 2025.

Kinilala ang biktima na si Esmakil Sambilan, Punong Barangay ng nasabing lugar. Sa inisyal na ulat ng pulisya, binaril umano ang biktima habang nasa kanyang lugar ng operasyon nang biglang sumulpot ang mga hindi pa nakikilalang suspek at agad siyang pinaputukan.

Agad namang rumesponde ang mga pulis sa pinangyarihan ng insidente at patuloy ngayon ang pagtugis sa mga salarin at pagtukoy sa motibo ng krimen.

Samantala, mariing kinondena ng mga residente at lokal na opisyal ng Lambayong ang naturang pamamaril at nanawagan ng hustisya para sa napatay na opisyal ng barangay.