-- ADVERTISEMENT --

Natagpuan ang bangkay ng isang lalaki sa sapa sa bahagi ng Eustaquio Salada, Poblacion, Polomolok, South Cotabato ngayong hapon.

Isang babae na magsusundo sana sa kanyang anak ang unang nakakita sa katawan na nakahandusay sa ibabaw ng malaking bato sa ilog.

Agad na rumesponde ang Scene of the Crime Operatives o SOCO upang magsagawa ng imbestigasyon.

Ayon sa inisyal na ulat, nakasuot ng itim na long sleeve at maong na pantalon ang biktima na halos hindi na makilala ang mukha.

Posible umanong inanod ang katawan ng malakas na ulan kagabi. May mga sugat ding nakita sa katawan ng biktima.

Sa ngayon, patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng nasawi at nananawagan sa sinumang nawalan ng kaanak na makipag-ugnayan upang makilala ito.