-- ADVERTISEMENT --

Habang umiinit ang tensyon sa rehiyon, ipinakita ni Mojtaba Khamenei, bagong Supreme Leader ng Iran, ang kahandaan ng kanyang pamumuno kahit iniulat na siya ay ‘wounded’ sa tinaguriang “Ramadan war.”

Matapos ang pagkamatay ng kanyang ama na si Ayatollah Ali Khamenei at ng asawa nito sa joint operation ng U.S. at Israel noong Pebrero 28 sa Tehran, siya ay mabilis na lumuklok bilang lider ng bansa.

Kilala si Mojtaba sa kanyang malawak na kaalaman sa military sciences, seguridad, teknolohiya, politika, at psychology, at matagal nang may impluwensya sa gobyerno sa likod ng entablado.

Bilang ikaduha sa anak ni Ali Khamenei, siya rin ang itinuturing na may pinakamalakas na ambisyon sa pamilya na manguna sa pamahalaan.

Sa kabila ng kakulangan ng detalye tungkol sa kanyang kondisyon, malinaw na nakatuon si Mojtaba sa pagpapatuloy ng liderato at seguridad ng bansa sa gitna ng geopolitikal na krisis.