Sinaksak ng sariling kalive-in partner ang isang babae sa Purok Kalayaan, Brgy. Poblacion 2, Banisilan, Cotabato.
Kinilala ang biktima na si Angeline Gelilang, 27 taong gulang at residente ng nasabing lugar habang ang suspek ay ang kanyang live-in partner na si Dexter Baldelobar, 32 taong gulang, isang magsasaka at residente rin ng parehong lugar.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nagkaroon ng alitan ang biktima at sa loob mismo ng kanilang bahay ay biglaang sinaksak ng suspek ang biktima.
Nagtamo ng maraming saksak si Angeline na naging dahilan ng kanyang pagkamatay nagtangka namang tumakas ang suspek.
Samantala, dahil sa agarang hot pursuit operation ay nadakip rin ito ng mga awtoridad
Sa ngayon, hawak na ng kapulisan ang suspek habang inihahanda na ang kasong isasampa laban sa kanya.