Kasabay ng pagsuko ng isang babae na dating miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) ay kaagad din itong nabigyan ng bigas at cash assistance mula sa 1st South Cotabato Provincial Mobile Force Company sa Aurora Street, Barangay Zone IV, Koronadal City, South Cotabato.
Kahapon lamang ng sumuko ang dating rebelde na kinilalang si alyas “Jane”, 26-anyos, dating kaanib mula sa teroristang grupo ng Guerilla Front ALIP ng Far Southern Mindanao Region.
Ang pinamahaging tulong sa Former Rebel ay personal na iniabot ng Force Commander ng 1st SCPMFC na si PLtCol Rey D Egos.
Bukod sa paunang tulong na tinanggap ng Former Rebel ay makakatanggap pa ito ng karagdagang tulong pangkabuhayan sa pamahalaan bilang bahagi ng Enhance Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) na naglalayong matulungan ang mga dating miyembro ng teroristang grupo na magsimula ng kabuhayan nang tahimik, mapayapa at malayo sa gawaing terorismo at insurhensiya.