
Nagbiro si Vice President Sara Duterte tungkol sa paggamit umano ng mga βpangitβ niyang larawan sa mga balita.
Aniya, wala naman siyang pakialam sa laman ng balita, ang mahalaga ay maganda o βpresentableβ siyang tingnan sa publiko.
Dagdag pa ni Duterte, madalas umanong hindi niya gusto ang mga larawang pinipili ng ilang media outlets dahil nakukuha raw ito sa mga pagkakataong pagod siya o hindi handa sa kamera.
Pabiro niyang sinabi na sana ay βmaawaβ naman daw ang mga ito at piliin ang mga larawan kung saan βnakangiti at maayos ang ayos ng buhok.β
Dahil dito, hiniling ng Pangalawang Pangulo sa kanyang mga staff na magpadala ng mga βmagagandangβ litrato niya upang gamitin sa mga ulat ng mediaβlalo na sa mga opisyal na pahayag o press releases ng kanyang tanggapan.
Bagamaβt pabiro ang kanyang pahayag, ipinakita rin nito ang pagiging kampante at may sense of humor ni Duterte sa harap ng mga isyung ibinabato sa kanya.