-- ADVERTISEMENT --
Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr si dating Secretary General ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP) na si Melvin Matibag bilang bagong hepe ng National Bureau of Investigation (NBI).
Ayon kay Communications Undersecretary Claire Castro, nakitaan umano ng Pangulo ng potensyal at pagiging mapagkakatiwalaan si Matibag para sa naturang posisyon. Wala namang karagdagang paliwanag ang Pangulo sa kanyang pagtalaga.
Magugunitang nagbitiw si Matibag sa PDP noong Oktubre 2023, at papalitan niya si Acting NBI Director Angelito Magno, na nagsilbi bilang hepe ng ahensya mula pa noong Oktubre 2025.













