-- ADVERTISEMENT --

Matagumpay na nakaliipad ang Artemis II lunar mission mula sa Kennedy Space Center sa Florida. Ang Artemis II rocket ay mag-take off dakong ala-6:30 ng umaga, oras sa Pilipinas, at layon nitong mag-ikot sa buwan—isang hakbang na hindi pa nagaganap mula noong 1972.

Lulan ng rocket ang mga crew members na sina Reid Wiseman, Victor Glover, at Christina Koch, kasama ang astronaut mula sa Canadian Space Agency, na si Jeremy Hansen.

Ito ang unang crewed moon mission mula pa sa mga Apollo missions, at layon nitong maglakbay sa bisinidad ng buwan at mahigitan ang naabot ng Apollo program.

Bago ang paglipad, matagumpay na naayos ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ang mga teknikal na isyu, kabilang ang mga problema sa SLS rocket’s flight termination system at sa battery ng rocket.

Ang rocket ay may bilis na aabot sa 1,235 kilometers per hour, at magdadala ng crew patungo sa buwan. Ang misyon na ito ay isang mahalagang hakbang patungo sa mas malalim na paggalugad ng kalawakan, pati na rin ang paghahanda para sa mga susunod pang misyon na maghahatid ng mga astronaut sa lunar surface sa mga darating na taon.