-- ADVERTISEMENT --
Apat na indibidwal ang naiulat na nasawi matapos tamaan ng Israeli strike ang isang hotel sa Beirut, ayon sa Lebanon Health Ministry.
Bukod sa mga nasawi, naitala rin ang sampung sugatan sa nasabing pambobomba ng Israel.
Batay sa paunang impormasyon, ang hotel na tinamaan ay nagsisilbing pansamantalang kanlungan ng mga sibilyang apektado ng digmaan mula sa Southern Lebanon at sa timog na bahagi ng Central Beirut.
Samantala, nitong Lunes ay naglunsad din ng mga rocket at drone attack ang Iran-backed militant group na Hezbollah laban sa Israel. Gumanti naman ang Israel sa pamamagitan ng sunod-sunod na air strike sa iba’t ibang bahagi ng Lebanon, kabilang ang Beirut.













