KORONADAL CITY – Naging daan ang Bombo Radyo Koronadal upang makapagpasalamat si Antique Vice Governor Edgar Denosta sa mga opisyal at mamamayan ng South Cotabato.
Ito ay dahil sa tulong na naipaabot sa lalawigan sa Visayas lalo na sa kanilang lugar noong matapos ang supertyphoon Yolanda.
Ayon kay Denosta, hindi nito makalimutan ang tulong ng mga South Cotabateños na nagpadala ng 18 dumptrucks ng mga relief goods.
Kaya’t ayon sa kanya ginagawa nila ang lahat ngayon sa Antique na makabawi man lamang sa mga South Cotabateños kasama na sa ilang mga bisita sa nagpapatuloy na Palarong Pambansa 2017.
Umaasa naman umano ang opisyal na pagkatapos ng Palaro sa Sabado ay maaari pang manatili ang mga bisita upang makita ang mga magagandang tanawin sa kanilang lugar.