-- ADVERTISEMENT --

Inaalam pa ng mga otoridad ang kabuuang pinsala sa isang ancestral house na natupok ng apoy sa Burgos Street, Barangay Poblacion, Tacurong City, bandang alas-7:55 ng umaga kamakailan.

Ang nasabing bahay ay pag-aari ni Marina Cacbay Renon at kasalukuyang inuupahan ni Gng. Maria Linda Manugay.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) Tacurong, iniimbestigahan pa rin ang sanhi ng sunog at ang halaga ng mga nasirang ari-arian.

Agad na rumesponde ang mga tauhan ng BFP Tacurong, kasama ang rescue team ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) at mga opisyal ng Barangay Poblacion upang maapula ang apoy at maiwasan ang pagkalat nito sa mga kalapit na kabahayan.

Ito na ang ikalawang insidente ng sunog kung saan noong gabi ng Hulyo 30, isang tindahan din sa Purok 9, Poblacion ang unang tinupok ng apoy.

Nagpaalala naman ang BFP sa publiko na maging mapagmatyag, sumunod sa mga fire safety protocols, at agad na i-report ang anumang insidente upang maiwasan ang kahalintulad na trahedya.