-- ADVERTISEMENT --

Arestado si Mayor Abundio “JP” Punsalan Jr. ng San Simon, Pampanga, kasama si Dr. Ed Ryan Dimla alyas “Doc Yang,” kahapon, Agosto 5, sa isang restaurant sa Clark, Pampanga matapos umano silang mangikil.

Batay sa ulat, nagsampa ng reklamo ang RealSteel Corporation matapos umano hingan ni Punsalan ng suhol na nagkakahalaga ng ₱80 milyon.

Sa naturang halaga, ₱30 milyon ang ibinigay bilang partial payment habang ang ₱50 milyon ay balak bayaran ng hulugan.

Samantala, nasa kustodiya na rin ng NBI ang mga security personnel ng alkalde matapos makuhanan ng mga baril at bala na isasailalim sa beripikasyon.

Nakatakdang sampahan ng kaso sina Mayor Punsalan at Dr. Dimla sa paglabag sa Republic Act 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act.