-- ADVERTISEMENT --
Umakyat na sa ika-49 na puwesto sa Women’s Tennis Association (WTA) ranking ang Pinay tennis star na si Alexandra “Alex” Eala.
Ito ang panibagong career-high ranking ng Pinay tennis player kasunod ng kanyang kampanya sa ASB Classic sa Auckland, New Zealand.
Nakarating si Eala sa semifinals, kalakip ang mga impresibong panalo sa mga naunang elimination rounds, kabilang ang tagumpay laban sa seven-time Grand Slam singles champion na si Venus Williams sa doubles category.
Bago ang ASB Classic, nasa ika-53 puwesto lamang si Eala sa WTA rankings.
Nakatakda namang lumahok ang 2026 SEA Games gold medalist sa Kooyong Classic at sa Australian Open sa Melbourne ngayong linggo.











