-- ADVERTISEMENT --

Hindi na nakapasok sa susunod na round ang Filipina tennis star na si Alex Eala matapos siyang talunin ni Jelena Ostapenko, 6-4, 7-5, sa Round of 16 ng Upper Austria Ladies Linz Open noong Miyerkules, Abril 8, 2026.

Maganda ang naging simula ni Eala matapos siyang manguna sa parehong set. Nakalamang siya ng 4-2 sa unang set at lalo pang umarangkada sa ikalawang set kung saan umabot siya sa 4-0 na abante.

Gayunman, nakabawi si Ostapenko at ipinakita ang kanyang karanasan sa laro. Naitabla at nakuha ng Latvian player ang apat na sunod na laro upang maagaw ang unang set, bago tuluyang dominahin ang huling bahagi ng ikalawang set sa pamamagitan ng anim na magkakasunod na panalo upang maselyuhan ang laban.

Bago ang pagkatalong ito, nagtagumpay si Eala laban kay Julia Grabher sa Round of 32 sa iskor na 6-4, 6-3.

Samantala, ito rin ang unang panalo ni Ostapenko laban kay Eala sa isang WTA tournament.

Sa kabila ng pagkatalo, inaasahang agad na babalik si Eala sa aksyon sa Stuttgart Open sa susunod na linggo.