-- ADVERTISEMENT --
Naghahanda na ngayon ang Pinay tennis star na si Alex Eala para sa kanyang susunod na tournament sa darating na buwan.
Matapos ang kanyang Round of 16 exit sa Miami Open, sasabak si Eala sa 2026 Upper Austria Ladies Linz Open, isang clay court tournament.
Gaganapin ang nasabing torneo mula Abril 6 hanggang 12 sa indoor clay court ng Design Center Linz.
Nakalista ang 20-anyos na si Eala sa WTA 500 tournament, kasama ang ilang kilalang pangalan sa tennis tulad nina defending champion Katerina Alexandrova, Clara Tauson, Emma Raducanu, Emma Navarro, Jelena Ostapenko, at Sorana Cirstea.
Sa kasalukuyan, sinisimulan na ni Eala ang ensaño at paghahanda para sa nasabing torneo.













