-- ADVERTISEMENT --
Hindi nakalusot si Alex Eala sa quarterfinals matapos siyang talunin ni world number 4 Coco Gauff sa Dubai Tennis Championships.
Nanaig si Gauff sa iskor na 6-0, 6-2, na naging dahilan upang tuluyang matapos ang kampanya ni Eala sa torneo.
Mula pa sa unang set ay hawak na ng Amerikanang manlalaro ang momentum ng laban, at mabilis niyang tinapos ang unang yugto ng laro sa loob ng wala pang kalahating oras.
Ang Dubai Tennis Championships ang ika-anim na paligsahang nilahukan ni Eala ngayong taon.
Kasunod ng kanyang stint sa Dubai, lilipad si Eala patungong Estados Unidos upang sumabak sa BNP Paribas Open sa California mula Marso 4 hanggang 15.
Pagkatapos nito, lalahok din siya sa Miami Open na nakatakda naman mula Marso 17 hanggang 29.













