Nabigo ang Alas Pilipinas Women na makausad sa quarterfinals ng 2026 Asian Games Women’s Volleyball matapos talunin ng Kazakhstan, 3-1.
Nasungkit ng Pilipinas ang unang set, 29-27, matapos ang dikitang palitan ng puntos at extended play. Bumawi naman ang Kazakhstan sa sumunod na tatlong sets, 26-24, 25-23, at 25-19.
Naging malaking sandata ng Kazakhstan ang kanilang serves at blocks, habang nahirapan ang Pilipinas sa reception sa mga huling bahagi ng laban.
Nanguna sa scoring para sa Alas Pilipinas sina Angel Canino na may 24 puntos mula sa 20 attacks, dalawang blocks at dalawang aces, at Alyssa Solomon na nagtala ng 20 puntos mula sa 15 attacks, apat na blocks at isang ace.
Dahil sa four-set loss, nagtapos na ang kampanya ng Alas Pilipinas Women sa torneo.













