Itinuturing na pribilehiyo ang makapag-aral ng abogasya sa Pilipinas, ito ang ayon kay Atty. Paisal D. Tanjili, Dean ng College of Law ng Notre Dame of Marbel University, sa isang panayam sa Bombo Radyo Koronadal.
Aniya, ang pag-aaral ng abogasya ang pinaglalaanan ng malaking oras, pera, at resources, at itinuturing ang propesyon na ito bilang isa sa mga haligi ng bansa, dahil kritikal ang batas sa ekonomiya, demokrasya, hustisya, at pamahalaan.
Dagdag pa niya, umaasa siyang dadami pa ang bilang ng mga abogado, dahil kakaunti lamang ang mga abogadao sa bansa.
Nanawagan din siya sa mga bagong abogado ng bayan na gamitin ang kanilang propesyon para sa ikauunlad at pagpapalawig ng batas, at para sa kapakinabangan ng komunidad.
Matatandaan na ang Notre Dame of Marbel University College of Law ang nakapag-produce ng Eleven (11) out of twelve (12) Bar Exam takers kung sa saan nakakuha ito ng 𝟗𝟏.𝟔𝟕% overall passing rate at 𝟏𝟎𝟎% para sa mga first-time takers.













