-- ADVERTISEMENT --

Muling iginiit ni Pope Leo ang pagtutol sa parusang kamatayan, kasabay ng kontrobersiya sa planong i-live-stream ang pagbitay kay dating US Army psychiatrist Nidal Hasan, na pumatay ng 13 katao sa Fort Hood military base noong 2009.

Sa kanyang pahayag para sa World Day Against the Death Penalty, sinabi ng Santo Papa na maaaring mapangalagaan ang publiko at maipatupad ang katarungan nang hindi isinasagawa ang pagbitay.

Nakatakdang isagawa kay Hasan ang firing squad execution. Kung matutuloy, ito ang magiging unang ganitong pagbitay sa militar ng US mula noong 1945.

Umani naman ng pagtutol ang planong live-stream mula sa ilang mambabatas, lider ng relihiyon at international observers. Hindi pa nagbibigay ng pinal na desisyon si US President Donald Trump tungkol sa live broadcast, habang sinabi ni Vice President JD Vance na hindi niya ito panonoorin.

Lalong uminit ang debate sa death penalty sa US matapos ang napaulat na pagkabigo ng lethal injection sa isang babae sa Tennessee noong nakaraang linggo.