-- ADVERTISEMENT --

Kinumpirma ng kaniyang asawang si Lori Bakker ang kaniyang pagpanaw, ngunit hindi nagbigay ng karagdagang detalye.

Sumikat si Bakker noong dekada ’70 bilang co-host ng “The PTL Club,” na itinayo niya kasama ang noo’y asawang si Tammy Faye Bakker. Itinatag din nila ang Heritage USA, isang Christian theme park sa South Carolina.

Ngunit bumagsak ang kanilang religious empire noong dekada ’80 matapos masangkot si Bakker sa isang financial scandal. Nahaharap siya sa mga kasong fraud at conspiracy dahil sa maling paggamit ng pondo ng ministry at pagbebenta ng lifetime memberships para sa isang hotel na hindi natapos.

Hinatulan siya ng 45 taong pagkakakulong ngunit nakalaya matapos ang humigit-kumulang limang taon.

Muli siyang nagbalik sa telebisyon at kasama si Lori ay inilunsad ang “The Jim Bakker Show,” na tumalakay sa biblical prophecy at mga kasalukuyang kaganapan.

Nagdiborsiyo sina Jim at Tammy Faye, na pumanaw noong 2007. Mayroon silang dalawang anak.