Target ng Senate Impeachment Court na matapos ang paglilitis at makapaglabas ng desisyon sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte pagsapit ng kalagitnaan hanggang katapusan ng Nobyembre.
Ayon kay Senate President at senator-judge Sherwin Gatchalian, maaaring umabot sa 30 hanggang 45 calendar days ang trial, bagama’t magkakaroon ng dalawang linggong break ang Senado sa pagtatapos ng Oktubre.
Sinabi ni Gatchalian na bumilis ang takbo ng proceedings matapos bawasan ang bilang ng mga testigong ihaharap at magkaroon ng mas maraming oras para sa mga pagdinig.
Sa kasalukuyan, nakatuon ang impeachment court sa Article 2, na may kaugnayan sa alegasyon ng umano’y unexplained wealth laban kay Duterte.
Samantala, sinabi ni House trial spokesperson Zia Alonto Adiong na pinag-uusapan pa ng prosecution panel kung itutuloy ang Article 3 o bribery charges laban sa bise presidente.
Nananatiling nakadepende sa takbo ng mga pagdinig at presentasyon ng ebidensya ang aktuwal na petsa ng pagtatapos ng impeachment trial at paglalabas ng desisyon.













