-- ADVERTISEMENT --

Bagama’t hindi nakamit ng Gilas Pilipinas ang target na resulta sa Aichi-Nagoya Asian Games matapos magtapos sa ika-siyam na puwesto, itinuring ng ilang PBA players na mahalagang karanasan ang kanilang unang international campaign.

Ayon kay Rain or Shine guard Adrian Nocum, marami silang natutunan mula sa torneo na maaari nilang magamit sa kanilang pagbabalik sa PBA, partikular sa pagharap sa mas mataas na antas ng kompetisyon.

Kabilang sa mga unang beses na kumatawan sa national team sina Justin Arana, Sedrick Barefield, Jerrick Ahanmisi at Zavier Lucero.

Para naman kay Arana, mahalagang maging handa sa bawat laro dahil ibang antas ang bilis at pisikalidad ng international basketball, kung saan mas malalaki at mas mabilis ang ilang kalaban.

Sa kabila ng ika-siyam na puwesto, inaasahang magiging baon ng mga manlalaro ang karanasang ito sa kanilang pagbabalik sa PBA at sa mga susunod pang pagkakataong makapagsuot ng national team jersey.