-- ADVERTISEMENT --

Nagbabala ang DOST-PAGASA na maaaring lumakas pa ang kasalukuyang strong El Niño at umabot sa very strong level mula Setyembre hanggang Disyembre 2026, bago magpatuloy hanggang sa unang bahagi ng 2027.

Ayon sa PAGASA, posibleng tumaas ang temperatura at bumaba ang dami ng ulan sa maraming bahagi ng bansa, na maaaring magpalala sa dry spells at drought.

Maaaring maapektuhan ang agrikultura, suplay ng tubig, produksyon ng enerhiya, kalusugan at iba pang sektor. Gayunman, maaari pa ring makaranas ng malalakas na pag-ulan sa ilang lugar dahil sa habagat at tropical cyclones, lalo na sa kanlurang bahagi ng bansa.

Hinimok ni DOST Secretary Renato Solidum Jr. ang mga lokal na pamahalaan at climate-sensitive sectors na magsagawa agad ng mga hakbang sa paghahanda, kabilang ang maagang pagpaplano sa farming schedules, water conservation at iba pang mitigation measures.

Samantala, sinabi ni PAGASA Administrator Dr. Nathaniel V. Servando na patuloy na imo-monitor ng ahensya ang El Niño at regular na maglalabas ng mga update habang nagbabago ang sitwasyon.