-- ADVERTISEMENT --
Walo ang nasawi at isa ang nasugatan matapos sumiklab ang sunog sa isang textile factory sa Foshan City, Guangdong Province, southern China.
Ayon sa state media, nagsimula ang sunog dakong 3:12 ng hapon sa isang dalawang palapag na gusali sa loob ng industrial park. Naapula ang apoy makalipas ang halos isang oras at hindi ito kumalat sa iba pang bahagi ng pasilidad.
Ginagamit ang gusali para sa production activities, kabilang ang paghuhugas ng denim fabric.
Natapos na ang search and rescue operations, habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang sanhi ng sunog.













