-- ADVERTISEMENT --

“Grabe ang brainwashing sa mga utak ng bata.”

Ito ang naging pahayag ni South Cotabato Governor Reynaldo S. Tamayo Jr. kaugnay sa naganap na shooting incident sa Banga National High School sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Ayon kay Gov. Tamayo, posibleng may kinalaman ang insidente sa mga grupo o organisasyon na pinakikisamahan o nilalahukan ng shooter sa naturang paaralan.

Dahil dito, nanawagan ang gobernador sa mga magulang na epektibong gabayan, suportahan, at disiplinahin ang kanilang mga anak.

Idinagdag pa niya na kailangang isama ng mga magulang ang kanilang mga anak sa pagkain, pagdarasal, at kausapin sila nang regular upang mailayo sila sa mga karahasan at masasamang impluwensya na maaaring magtulak sa kanila na gumawa ng krimen o katulad na pamamaril.