-- ADVERTISEMENT --

Nagpapatuloy ngayon ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang motibo at pagkakakilanlan ng mga armadong suspek na pumatay sa isang non-uniformed personnel (NUP) ng Sultan Kudarat Municipal Police Station nitong Sabado ng umaga, Agosto 22.

Ang biktima ay kinilalang si Jonathan Juan, isang civilian staff ng lokal na kapulisan at residente ng Pigcawayan, Cotabato.

Ayon sa inisyal na ulat ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR), nagbibiyahe si Juan mula sa Cotabato City sakay ng kanyang Honda Click motorcycle (plaka: 423 MRI) nang tambangan at pagbabarilin ng mga suspek sa bahagi ng Cotabato-Kidapawan Highway sa Barangay Dalumangcob, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.

Agad na nasawi ang biktima dahil sa mga natamong sugat sa bala, habang mabilis namang tumakas ang mga salarin sakay din ng motorsiklo matapos ang krimen.

Ang insidente ay naganap sa lalawigan ng Maguindanao del Norte na sakop ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).