-- ADVERTISEMENT --

Kinontra ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang desisyon ng Estados Unidos na itaas ang taripa sa mga produktong inaangkat mula sa Pilipinas, kasunod ng alegasyon kaugnay ng forced labor.

Ayon kay DFA spokesperson Analyn Ratonel, matagal nang naninindigan ang pamahalaan na ang mga produktong gawa sa Pilipinas, kabilang ang mga iniluluwas sa US, ay hindi nagmumula sa sapilitang paggawa.

Binigyang-diin ng DFA na patuloy na palalakasin ng Pilipinas ang mga umiiral na batas at mekanismo sa pagpapatupad upang masugpo ang forced labor at matugunan ang anumang isyu o alegasyon na may kaugnayan sa mga produktong pang-export.

Nauna nang inanunsyo ng US ang pagtataas ng taripa sa mga produktong mula sa Pilipinas mula 10 porsiyento hanggang 12.5 porsiyento, na nakatakdang ipatupad simula Agosto 7.