Nagpahayag ng pakikiramay ang TINGOG Party-list sa mga pamilya ng mga estudyanteng nasawi at nasugatan sa pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City.
Tiniyak ng grupo na nakikipag-ugnayan sila sa mga ospital, lokal na pamahalaan, Department of Education, at iba pang ahensya upang maibigay ang kinakailangang gamutan at tulong medikal sa mga biktima.
Maglalaan din sila ng psychosocial at mental health support para sa mga apektadong estudyante, guro, at pamilya.
Nanawagan din ang grupo ng mabilis, masinsinan, at patas na imbestigasyon upang matukoy kung paano nangyari ang insidente at kung paano nakapasok ang mga baril sa loob ng paaralan.
Suportado rin nila ang pagpapatibay ng seguridad sa mga paaralan at mas mahigpit na koordinasyon sa pagitan ng paaralan, mga magulang, barangay, pulisya, at iba pang sektor.
Patuloy rin nilang ipinahayag ang pakikiisa sa komunidad ng paaralan at ng Tacloban habang sila ay nagpapagaling at bumabangon mula sa trahedya.













