Target ng Donald Trump administration sa Estados Unidos na magsagawa ng ikalawang round ng negosasyon sa Iran bago magtapos ang ceasefire sa Abril 21.
Ayon sa isang source na pamilyar sa usapin, kasalukuyang may internal na pag-uusap ang mga opisyal ng Trump administration para sa posibleng panibagong harapang pagpupulong kasama ang mga opisyal ng Iran.
Bukas pa rin umano si Trump na ipagpatuloy ang in-person negotiations sa lalong madaling panahon, sa sandaling handa ang Iran na sumunod sa kanyang mga kondisyon.
Sa ngayon, pinag-aaralan pa ng mga opisyal ang posibleng petsa at lokasyon, depende sa magiging takbo ng usapan ng Iran at mga mediator sa rehiyon sa mga susunod na araw.
Gayunman, hindi pa tiyak kung tatanggapin ng Iran ang mga kondisyon ng US sa lalong madaling panahon, dahil sa nauna nitong pagtutol sa ilang kahilingan ng Amerika at kasabay ng ulat tungkol sa pagharang ng US military sa ilang Iranian ports noong Lunes (Eastern time).













