-- ADVERTISEMENT --

KORONADAL CITY – Naging matagumpay ang pamamahagi ng fuel subsidy ng pamahalaan sa higit 20,000 na mga tricyle driver sa buong rehiyon Dose.

Ito ang kinumpirma ni Loreto V. Cabaya Jr. – Regional Director ng Department of Social Welfare and Development 12 sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Ayon kay Director Cabaya, naging matiwasay at matagumpay ang pamamahagi ng ayuda para sa mga transport sector na isa sa pinaka-apektado sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa boung rehiyon.

Ito ang kinabibilangan ng mahigit 11,000 na mga tricycle driver sa General Santos City, 5,030 sa Koronadal City, 3,530 sa Tacurong City at 620 naman sa Kidapawan City na nakatanggap ng P5,000 bilang tugon sa pagtaas nga presyo ng petrolyo.

Dagdag pa nito, malaking tulong na ito para sa pagtugon ng pangangailan sa pang araw-araw ng mga driver na kumakayod para sa kanikanilang mga pamilya.

Diretsahang binalaan ng Department of Social Welfare and Development o DSWD Region 12 ang mga benepisyaryo ng fuel subsidy na gamitin ang natanggap na ayuda sa tamang paraan.

Samantala, nakatakda naman ang distribution o pamimigay ng fuel subsidy sa mga tricycle drivers sa mga munisipyo sa buong Region 12 sa Abril 16,2026.