-- ADVERTISEMENT --
Nilinaw na walang direktang magiging epekto sa presyo ng mga pangunahing bilihin ang pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Ayon kay Department of Agriculture spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, ang rollback sa presyo ng langis ay maaaring makatulong lamang upang mapigilan ang posibleng pagtaas ng presyo ng mga bilihin, ngunit hindi ito nangangahulugang agad na bababa ang kanilang halaga.
Dagdag pa niya, nananatiling matatag ang presyo ng mga pangunahing bilihin dahil sa sapat na suplay ng mga inaangkat na produktong agrikultural.
Sinabi rin na puno ang mga cold storage facilities ng Department of Agriculture, kaya nakatutulong ito sa pagkontrol ng presyo upang hindi na ito tumaas pa.













