Nagpapatuloy ang imbestigasyon nang mga kapulisan para mahuli ang may responsable sa krimen sa pananambang patay sa isang 28-anyos na lending collector sa Sitio Dike, Brgy. Mayo, Columbio, Sultan Kudarat, pasado alas-12:30 ng tanghali kahapon ng Martes, Marso 24, 2026, na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay sa mismong lugar ng insidente.
Kinilala ang biktima bilang si Froilan Combate, empleyado ng Star 8 Lending Company at residente ng Purok Everlasting, Brgy. Avanceña, Koronadal City.
Ayon sa paunang imbestigasyon ng Columbio PNP, galing sa pangongolekta ang biktima nang harangin at malapitang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin.
Dahil dito, nagtamo si Combate ng malubhang sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan, na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.
Sa kasalukuyan, patuloy ang ginagawang follow-up operations ng mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at ang tunay na motibo sa likod ng malagim na pamamaslang sa biktima.













