-- ADVERTISEMENT --

Papayagan na ng Department of Energy (DOE) ang pansamantalang paggamit ng Euro 2 petroleum products para sa ilang piling sasakyan at industriya upang matiyak ang sapat na suplay ng fuel sa bansa.

Ang paggamit ng Euro 2 fuels, na may mataas na emissions, ay limitado lamang sa mga sasakyan na may modelo mula 2015 pababa.

Magagamit ito sa mga tradisyonal na sasakyan at sa mga industriyal na gamit tulad ng mga power plants, generators, pati na rin sa marine at shipping industry.

Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, ang hakbang na ito ay isang pansamantalang solusyon upang matiyak ang sapat at madaling pag-access sa suplay ng fuel para sa mga sektor na nangangailangan ng limitadong flexibility sa kasalukuyang panahon.