-- ADVERTISEMENT --

Ibinunyag ni Vice President Sara Duterte na ilang personalidad ang lumapit sa kaniya upang humiling na maisama sa kaniyang senatorial slate sakaling siya ay tumakbo sa pagkapangulo sa 2028 elections.

Ayon sa Bise Presidente, apat sa mga lumapit sa kaniya ay itinuturing niyang potensyal na kandidato para sa senado, ngunit hindi niya isinapubliko ang kanilang mga pangalan.

Dagdag pa niya, patuloy niyang kinukumbinsi ang napiling kandidato para tumakbo bilang kaniyang bise presidente.

Magugunitang inanunsiyo ni VP Sara noong nakaraang buwan ang kaniyang planong tumakbo sa pagkapangulo sa darating na 2028 elections.