-- ADVERTISEMENT --
Nagpakalat ang Estados Unidos ng 10,000 interceptor drones sa Middle East upang agad na maharang ang mga drones mula sa Iran na ginagamit sa mga pag-atake. Ayon sa US, mas mura at mas epektibong paraan ito kumpara sa paggamit ng missiles para harangin ang mga drones ng Iran.
Bilang bahagi ng mga hakbang na ito, nagpadala rin ang Ukraine ng kanilang drone interceptors sa ilang US bases matapos hingin ng US President Donald Trump ang kanilang tulong.
Naunang iniulat na ilang mga US bases sa Middle East ang tinamaan at nasira ng mga Shahed-136 drones na ginamit ng Iran sa mga pag-atake.













