-- ADVERTISEMENT --

KORONADAL CITY – Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa bayan ng Surallah, South Cotabato matapos lumabas ang isang nakapanlulumong video ng pagmamaltrato sa isang 83-anyos na lola na ulyanin at nakaranas ng mild stroke sa bahay mismo ng anak nito.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Ms Anne, apo ng biktima, ang video ay nakunan kahapon, Marso 11, 2026, kung saan makikitang sinasaktan ng suspek na umano’y live-in partner ng tiyahin nila dahil sa pagiging magulo ng matanda dala ng kanyang kondisyon.

Ayon pa kay Anne, sinasaktan at hinahampas pa umano sa bibig at iba pang bahagi ng katawan nito ang kanyang lola tuwing ito ay umiiyak o sinisira ang kanyang diaper at iba pang gamit.

Dagdag pa nito,dahil sa kondisyon ng kanyang lola na parang bumalik sa bata aya’t posibleng napipikon ang kanilang tiyahin at nasasaktan nito ang saring ina.

Ngunit, lumala ang sitwasyon matapos na ang live-in partner na nang anak nito ang nakitang nananakit sa matanda na hinahayaan naman nito.

Dahil sa mga nakitang pasa sa katawan ng biktima, hinala ng pamilya na matagal na itong nakakaranas ng pang-aabuso.

Masakit naman sa ibang anak ng matanda na malaman ang nangyayari sa kanya dahil sa nasa poder naman ito ng kanilang kapatid.

Sa kasalukuyan, pormal na inireklamo sa barangay ang mga suspek upang sampahan ng kaukulang kaso.

Plano na ring bawiin ng ibang anak ni lola sa tinitirhan nito upang masigurado ang kanyang kaligtasan at maibigay ang tamang pagkalinga na nararapat sa kanyang edad.

Bukas naman ang himpilan sa pahayag ng mga inirereklamo ng pananakit sa nabanggit na matanda.