-- ADVERTISEMENT --

Pinangunahan ng Malacañang ang mga hakbang upang mapanatiling matatag ang presyo ng pangunahing bilihin sa kabila ng tumitinding tensyon sa Middle East.

Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Claire Castro, mahigpit na minomonitor ng gobyerno ang galaw ng presyo at hahabulin ng batas ang sinumang magtatangkang mananamantala sa sitwasyon.

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na handa ang administrasyon sa posibleng pagtaas ng presyo ng petrolyo, kabilang ang pakikipag-ugnayan sa Kongreso upang magkaroon ng kapangyarihang bawasan ang excise tax kung ang crude oil ay lalampas sa $80 kada bariles.

Layunin ng gobyerno na pag-isahin ang bansa laban sa krisis at protektahan ang mamimili mula sa labis na pagtaas ng presyo, kasabay ng masusing pag-monitor sa pamilihan habang umiinit ang tensyon sa rehiyon.