-- ADVERTISEMENT --

KORONADAL CITY – Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa pagkakatuklas ng isang wala nang buhay na sanggol sa damuhan sa Barangay Little Baguio, Surallah, South Cotabato.

Ayon sa post ni Pinataka Blogg, minabuti niyang i-post ang mga larawan at video ng sanggol upang mapaalam sa publiko ang sinapit nito at sa pag-asang may makakilala kung sino ang magulang na responsable sa pag-iwan sa bata.

Nanawagan din ito sa komunidad na maging mapagmatyag, lalo na kung may kakilalang babae na buntis kamakailan ngunit biglang nawala ang dalang lapsag.

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang lokal na pulisya sa mga saksi upang matukoy ang pagkakakilanlan ng ina o ng sinumang nagtapon sa inosenteng sanggol.

Mariinnaman na kinokondena ng mga residente ang pangyayaring ito habang patuloy na humihingi ng hustisya para sa munting anghel.