-- ADVERTISEMENT --

Umabot na sa 52 ang nasawi sa paglubog ng MV Trisha Kerstin 3 sa Basilan, kabilang ang mga pasahero, crew, at isang Philippine Coast Guard personnel. Ayon sa Department of Transportation, overloading ang pangunahing dahilan ng trahedya, kasama ang kakulangan sa drydock at repair compliance at inconsistencies sa passenger manifest.

Dahil dito, 8 Marina personnel, kabilang ang Zamboanga Regional Director, at 6 PCG personnel, kabilang ang Zamboanga Station Commander, ay pansamantalang inalis sa kanilang puwesto habang iniimbestigahan ang kanilang kapabayaan.

Inaatasan din ng DOTr ang MARINA na magsampa ng administrative charges laban sa mga opisyal na ito. Kung mapatunayan ang kapabayaan, posibleng kasuhan din sila ng kriminal sa ilalim ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act (RA 3019).

Bilang bahagi ng mga corrective measures, iniutos ni Secretary Banoy Lopez ang risk-based categorization ng mga barko at ruta, at tinitiyak ang availability ng life vests sa ilalim ng upuan at inflatable life rafts sa bawat byahe.

Ani Lopez: “Justice must be served, and justice must be served swiftly!”

Tiniyak naman ng opisyal na ang DOTr, MARINA, at PCG ay personal na tututok sa kaso upang maiwasan ang katulad na trahedya sa hinaharap.