-- ADVERTISEMENT --

Muling mararamdaman ng mga motorista ang dagdag-pasanin sa gastos sa petrolyo ngayong linggo matapos magpatupad ang ilang kumpanya ng langis ng panibagong pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.

Batay sa magkakahiwalay na abiso nitong Lunes, inaasahang aabot sa mga sumusunod ang dagdag-presyo:

  • Gasolina: ₱0.60 kada litro
  • Diesel: ₱1.00 kada litro
  • Kerosene: ₱0.60 kada litro

Magiging epektibo ang bagong presyo dakong alas-6 ng umaga ng Martes, Pebrero 10, habang may ilang kumpanya naman na magpapatupad nito alas-4:01 ng hapon sa parehong araw.

Ito na ang ikalimang sunod-sunod na linggo ng pagtaas ng presyo ng gasolina, at ikapitong magkakasunod na linggo naman ng pagmahal ng diesel at kerosene.