-- ADVERTISEMENT --

Nagsagawa ang Philippine Navy ng isang send-off ceremony para sa mga tauhan nitong lalahok sa 3rd International Fleet Review (IFR26) na pangungunahan ng Indian Navy, at kasabay ding makikibahagi sa Multilateral Naval Exercise (MILAN) 2026.

Pinangunahan ang seremonya ni Naval Defense Command Acting Commander Rear Admiral Peter Jempsun De Guzman para sa mga marinong maglalayag patungong Visakhapatnam, India.

Para sa naturang aktibidad, ipinadala ng Hukbong Dagat ng Pilipinas ang Malvar Class Guided Missile Frigate na BRP Miguel Malvar, na pamumunuan ni Captain Paul Michael Hechanova.

Layunin ng 3rd International Fleet Review (IFR26) na magsilbing plataporma para sa pagpapalitan ng kaalaman at pagpapatibay ng kooperasyon ng mga kalahok na bansa sa usapin ng kapayapaan, katatagan, at kaunlaran ng Indo-Pacific Region.