KORONADAL CITY – Walang naitalang malubhang pinsala sa lungsod ng Koronadal matapos ang naganap na 5.7 magnitude na lindol, ayon kay FO1 Rohnel Nambatac, Public Information Staff at Community Educator ng Bureau of Fire Protection – Koronadal, sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Aniya, nagsagawa sila ng assessment sa mga pangunahing gusali sa lungsod, kabilang ang city hall at ilang mall, ngunit walang napagkitang malubhang sira.
Wala rin aniya naitalang mga nasugatan, sunog, o tagas ng gas na dulot ng lindol.
Muling nanawagan si Nambatac sa publiko na iwasang mag-panic at agad na ipraktis ang “duck, cover, and hold”, pati na rin ang paglikas mula sa matataas na gusali upang maiwasan ang aksidente mula sa bumabagsak na debris sa oras ng lindol.













